!!!♣☼TAÑONG HIGH SCHOOL☼♣!!!
!!!WELCOME TO TAÑONG HIGH SCHOOL!!!
!!!ENJOY THE WEBSITE!!!
(www.thsstudentsite.blogspot.com)


Section: IV- FORTITUDE
Section: II-BABBAGE Edited By: 3 ADMIN'S
Section: IV-DILIGENCE

Ibong Adarna/Awit at Korido

View previous topic View next topic Go down

Ibong Adarna/Awit at Korido

Post  REVERT on Sat Feb 13, 2010 8:40 pm

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang madaling mapalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman ang kanilang hilig na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na awit at Korido. Naging kilala ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay sa mga manunulat at mambabasa. Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhan na ang mga ito ay ligtas at nakakatuwang libangan.

Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay may natatanging bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Karaniwang pinagbibidahan itong mga hari at reyna, prinsipe at prinsesa at datu at dayang. Ang mga tulang ito ay mayroong mga paksa pangromansa na napapalooban ng mga mensahe.

Binubuo ang awit ng 12 pantig bawat linya. Ang bawat saknong nito ay may apat na taludtod. Tinatalakay sa tulang ito ang buhay at pinapaksa ang katapanganan at pagiging mandirigma ng pangunahing tauhan, na walang bahid ng kababalaghan.

Ang korido naman ay may sukat na walong pantig bawat linya. Bawat saknong ay may apat na taludtod. Ito ay tulang pangromansa na nagsasalaysay sa pag-ibig at pakikipagsapalaran ng isang malabayaning tauhan na punong-puno ng kababalaghan. Binibigkas ito sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula. Kilala sa anyong ito ang akda ng Ibong Adarna.

Isa sa mga halimbawa ng korido ay ang Ibong Adarna. Binubuo ito ng 1,172 na saknong. Ito ay tumatalakay sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit napapalooban ng mga aral sa totoong buhay. Isinasaad din sa akdang ito kung sa papaanong paraan malalagpasan ang mga pagsubok na kalimita'y dumadaig sa tao. Bagamat kilala ang akda, hindi tiyak ang taong sumulat nito. Sinasabing ito ay nagpasalin-salin na lamang mula sa maraming taong nagsalaysay. Dahil dito, ang Ibong Adarna ay tinawag na sanaysaying-bayan.

REVERT
Navy Fleet Admiral
Navy Fleet Admiral

Posts: 25
Join date: 2010-02-13

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum