!!!♣☼TAÑONG HIGH SCHOOL☼♣!!!
!!!WELCOME TO TAÑONG HIGH SCHOOL!!!
!!!ENJOY THE WEBSITE!!!
(www.thsstudentsite.blogspot.com)


Section: IV- FORTITUDE
Section: II-BABBAGE Edited By: 3 ADMIN'S
Section: IV-DILIGENCE

Kasaysayan ng Ibong Adarna

View previous topic View next topic Go down

Kasaysayan ng Ibong Adarna

Post  REVERT on Sat Feb 13, 2010 8:19 pm

Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa Europa. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Kung titingnan, ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda nito. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:

* Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang bansa sa Europa ay hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag,
* Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito'y di isinama sa pagpapalathala,
* Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at nang maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga pangalan ng nauna sa kanila at,
* Sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag.

Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga bayang nagdiriwang ng pista. Ngunit marami noon ang di marunong bumasa kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng komedya o moro-moro.

Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949 .

Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si José de la Cruz (o Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna. At dahil nga sa kawalang-katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.

REVERT
Navy Fleet Admiral
Navy Fleet Admiral

Posts : 25
Join date : 2010-02-13

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum