!!!♣☼TAÑONG HIGH SCHOOL☼♣!!!
!!!WELCOME TO TAÑONG HIGH SCHOOL!!!
!!!ENJOY THE WEBSITE!!!
(www.thsstudentsite.blogspot.com)


Section: IV- FORTITUDE
Section: II-BABBAGE Edited By: 3 ADMIN'S
Section: IV-DILIGENCE

Ibong Adarna/Kabanata 02 : Ang Paglalakbay ng Tatlong Magkakapatid

View previous topic View next topic Go down

Ibong Adarna/Kabanata 02 : Ang Paglalakbay ng Tatlong Magkakapatid

Post  REVERT on Sat Feb 13, 2010 8:22 pm

Buod

Napanaginipan ni Haring Fernando naang pinakamamahal niyang si Don Juan ay pinagtaksilan, pinatay at inihulog sa malalim na balon. Nabahala ito nang husto at nagkasakit. Isa sa mga manggagamot ang nakapagsabi ng lunas sa lumalalang sakit ng hari. Ito'y ang awit ng ibong Adarna na kapag narinig niya ay liyak na kanyang ikagagaling. Matatagpuan ang ibon sa bundok Tabor. Sa kahoy ng Piedras Platas na tinitirhan nito.

Noon di'y ipinadala ng hari si Don Pedro upang makuha ang ibon. Naglakbay itong mahigit tatlong buwan bago nakarating sa bundok Tabor. Namatay ang kabayo niya at naglakad na lamang hanggang sanasilayan ang napakagandang puno ng Piedras Platas. Ang mga dahon at sanga nito'y kumikislap wari'y mga diyamante at ang mga ugat ay ginto. Nakatulog siya sa kahihintay sa ibon kaya hindi niya ito napansin nang dumating. Matapos kumanta at magpalit ng pitong magagandang ayos ay nagbawas ang ibon. Napatakan si Don Pedro atnaging bato.

Isang taon na at 'di panakabalik si Don Pedro kaya si Don Diego ay sumunod sa paghahanap.

Limang buwan siyang naglalakbay. Namatay rin ang sinasakyan niyang kabayo. Natagpuan niya ang Piedras Platas ngunit tulad sa kinasadlakan ng kanyang kapatid ay nakulong din ito at naging bato.

Lumipas ang tatlong taon ngunit hindi pa nagbalik ang dalawa. kinumbinsi ni Don Juan ang kanyang ama naipaubaya sa kanya ang paghahanap. Kahit na nag-aalinlangan, napilitan ang haring pahintulutan ang anak. Hindi gumamit ng kabayo si Don Juan. Dala-dala niya ay limang piraso lamang ng tinapay at ipinasiyang isang tinapay ang kakainin bawat buwan. Sa apat na buwang paglalakad, nakakilala siya ng isang matandang ketongin na humihingi ng makakain. Walang pag-aalinlangan namang ibinigay ni Don Juan ang titirang isang tinapay sa matanda. Dahil sa kabutihang ito, tinulungan ng matanda si Don Juan na matunton ang hanap nitong puno. Nagbigay siya ng babala sa prinsipe na huwag mahumaling saganang puno. Sa halip ay tumungo sa bahay nanasa gilid ng bundok kung saan nakatira ang taong magtuturo sa kinaroroonan ng ibon.

Sinunod lahat ni Don Juan ang sinabi ng matanda at nakarating sa dampang tinitirhan ng isang matandang ermitanyo. Doon ay hinandugan siya ng masarap na makakain at binigyan ng mga kaailanganin upang magtagumpay sa paghuli sa Adarna. Ang mga labaha, pitong dayap at gintong sintas.

Nagamit lahat ni Don Juan ang mga ibinigay ng matanda. Ang labaha'y ipinanghiwa niya sa kanyang palad at ang mga hiwa'y pinigaanan ng dayap upang mapaglabanan ang antok habang kumakanta ang ibon. Nang mahimbing na nakatulog ang ibon, dahan-dahan niyang inakyat ito at kaagad natinalian gamit ang gintong sintas. Matagumpay na nahuli ni Don Juan ang ibong Adarna at dinala sa matanda. Inutusan ng matanda si Don Juan na umigib ng tubig at ibuhos sa dalawang bato. Nang mabuhusan na ay biglang lumitaw ang dalawa niyang kapatid. Ginamot naman ng emitanyo ang mga sugat ni Don Juan at kamangha-manghang ni bakas ay walang makita. Bago bumalik sa kaharian, pinayuhan sila ng ermitanyo na huwag pagtaksilan ang isa't isa.

REVERT
Navy Fleet Admiral
Navy Fleet Admiral

Posts : 25
Join date : 2010-02-13

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum